Thursday, October 11, 2018

Babae, Kalsada, Sipol

"Babae"

Binibining ka'y ganda
Talaga namang maraming humahanga
Mula katawang kumukurba
Hanggang sa tuwid na buhok na mahaba


Ngiting nakakatunaw sa kalalakihan
Salita na nagpapahulog sa karamihan
Ilong na napakatangos kung tititigan
Ngipin na maputi at nakakatuwang pagmasdan


Sa tuwing dumadaan siya sa kalsada
Maraming kalalakihan ang napapanganga
Kaliwa't kanan siya'y tinitingala
Madalas ding pinaguusapan ng madla


Ngunit sa likod ng ngiti ay may kalungkutan
Kalungkutan na gustong alisin ang natatangi niyang kagandahan
Sapagkat pag-uwi sa kanilang tahanan
Siguradong siya'y pagsasamantalahan nanaman


Tanging sa lihim na pag iyak nalang siya nakaka-pagsumbong
Sapagka't sa suntok at sakit siya'y gumugulong
Walang may alam at nagnanais na tumulong
Sapagkat ang pang aabuso ay nagaganap lamang sa loob ng bubong


Kahit kaniyang ina siya'y hindi pinapaniwalaan
Madalas siya pa ang pinagbibintangan
Kahit saan mag punta ay walang matakbuhan
Sapagkat sa tingin niya siya ay pinagkakaisahan


Unti-unti niya ng sinusumpa na siya ay naging babae
Babaeng inaabuso ng mga lalake
Lalakeng walang ibang alam kundi saktan ang mga babae
At ang respeto sa babae ay tuluyan ng naglaho kasabay sa paglubog ng gabi.


Sumikat nanaman ang panibagong umaga
Kung saan siya ay magpapanggap nanamang masaya
Maglalakad sa harap ng iba
Na para bang walang pinagdadaanang malala


"Kalsada" 

Kalsada kung saan ako madalas naglalakad
Kasabay ng ilang estudyanteng napapadpad
Mga magagandang ibon na mabababa ang lipad
May mga ilan ring sasakyang nasasadsad



Kapitbahay na kumakaway pag ako napapadaan
Madalas ko ring marinig ang kanilang bulungan
Bulungan na alam ko naman ako ang nais paringgan
Sapagkat kahit ako'y hindi lubusang kilala kanilang hinuhusgaan


Isa raw akong bayarang babae
Na ang trabaho ay landiin ang mga lalake
Lumalabas tuwing gabi
Naglalakad sa kalsada palage


Pero hindi nila alam ang storya ko
Storya kung bakit ako nagkaganito
Wala akong pagpipilian kundi ito
Sapagkat ito ang tanging paraan para matakasan ang bangungot ko


Ama kong tinuring akoy pinagsamantalahan
Hindi pa siya nakuntento dahil nagtawag pa ng kaniyang kaibigan
Ako'y parang bola na kanilang pinagpasa pasahan
Pero wala akong magawa sapagkat wala akong laban


Hindi ko makakalimutan kung saan iyon nangyari
Sa mismong kalsada na dinaraanan ko palagi
Hinaharap kahit na para isa itong tsunami
Aagusin ka at dadalhin sa lugar na hindi mo mawari


Siguro nga ito ang kapalaran ko
Maabuso ng mismong tatay ko
Walang ibang magagawa kung 'di harapin ito
Sapagkat ito na ang kapalaran ko


"Sipol"

Sipol na ginagawa ng karamihan
Maraming nababastos na kababaihan
Sa simpleng sipol na kanilang katuwaan
Kakaibang hiya ang nararamdaman ng mga dumadaan


Para sa kanila ito ay simpleng sipol lang
Hindi nila alam na kakabaiha'y naiilang
Pakiramdam nila sila ay hindi ginagalang
Sapagkat sila'y hindi tinatawag sa pangalang bigay ng kanilang magulang


Bawat pag apak ng paa sa daan
Siguradong may sisipol nanaman
Mula sa itaas hanggang sa baba ika'y tititigan
Witwiw, na kanilang sipol paniguradong mapakikinggan


Maikling short na inyong soot
Magbibigay ng karanasan sa inyong katakot takot
Sapagkat ang akala mong mga titig nilang mukang bagot
Ang tingin na pala sa iyo ay walang saplot


Witwiw, muling sipol nanaman nila
At hindi pa do'n nagtatapos ang kanilang ginagawa
Sapagkat sinabihan ka pa nila ng hindi maganda
Ang sarap mo daw sigurong maging jowa dahil masarap na nga at maganda pa


Gusto kong maging masaya sa kanilang sinabi
Pero ito'y pambabastos at hindi pamumuri
Dahil mga tinginan nila ay hindi ko mawari
At muka daw akong tindahan na maraming laman at sari sari


Wala na ngang kalayaan ang mga kababaihan ngayon
Dahil kapag ika'y nakamaigsing short ika'poon
Poon na akala nila na pwedeng hawakan ng lahat ng naroon
Pero hindi nila alam ika'y poon na binabastos mula noon hanggang ngayon



Ito ay lahok sa Saranggola Blog Awards 10

Mental Health



"Lahat tayo ay nilikha ng may pagkakaiba" Isa sa mga kasabihan na talaga namang ating pinanghahawakan. Paniniwalang ang bawat isa sa atin ay nilikha ng Diyos ng may pagkaka-iba at pagkakatulad, at ang bawat isa ay may kaniya kaniyang talento at regalo na binigay ng nasa itaas na hindi katulad ng sa iba. Ngunit bakit pawang ang iba ay tuluyan na itong nakakalimutan? Nasaan na ang ating pang-unawa? Sila nga bang may ganitong katangian ang may sakit o tayong mga indibidwal mismo na hindi marunong umintindi sa kanila ang may problema sa pag-iisip?


Marami sa atin na kapag nakakita ng bata o matanda na may kakaibang pag-iisip at pag-uugali ating pagtatawanan. Ano nga ba ang papel nila sa mundo? Bakit pa nila kailangan isilang gayong puro panghuhusga lamang ang kanilang matatanggap? Marahil naitatanong nila sa kanilang sarili, bakit sa dami at halos bilyon bilyong tao sa mundo sila pa ang nagkaroon ng gano'ng sakit? Bakit nagawa silang pag-kaitan ng mga bagay na gusto nilang gawin ngunit hindi maaari?  Hindi maiiwasan na tanungin nila ang Diyos, may mga pagkakamali ba silang nagawa at sa kanila ito napiling ibigay? Isa lang ang kasagutan diyan, sa kanila ito ibinigay sapagkat alam nang Diyos na talaga namang sila ay malakas at higit sa lahat kayang lampasan ang pagsubok na ito. Kahit kailan hindi naging dahilan ang problema sa pag-iisip ng isang tao upang tayo ay mang apak at manghusga, sapagkat kadalasan tayo mismo na may mga mas malawak na pang unawa ay hindi sila maintindihan. Kaya naman maaring tayo ay mapabilang na rin sa kanila. Kadalasan ang mga taong may disabilididad na kagaya nito ay pinagtatawanan, binibiro at tinatawag pang baliw ng mga tao. Aminin mo man o hindi alam mo sa sarili mo na minsan mo na rin silang pinaglaruan at nilait. May mga taong nakakaranas ng Depresyon, Anxiety, Schizoprenia, pagkalulong sa mga adiksyon, pag isip ng pagpapakamatay at marami pang iba. Ilan lamang ang mga nabanggit sa mga nararanasan kadalasan ng mga kabataan ngayon. Ngunit ang pagkakaroon ba nang ganitong sakit ay kanilang ginusto? Maaring ito ay katangian na nila simula noong bata pa lamang sila o dahil sa sa kapabayaan ng kanilang magulang at impluwensya ng kaibigan o tao sa kapaligiran kaya nagkaroon sila ng ganitong sakit. Paano mo nga ba masasabi kung ang isang tao ay may sakit sa pag-iisip o wala? Makikita mo palang na hindi ito nararanasan ng isang tao kapag sila ay alam ang kanilang ginagawa o kinikilos at kumportable siya sa mga bagay na kanyang napupuntahan, may taglay na kaunawaan sa kaniyang sarili na nagiging dahilan upang talunin at harapin ang hamon sa buhay at higit sa lahat nagagawa niyang tawanan at lampasan ang mga sinasabi ng tao sapagkat mayroon siyang bagay na napakahalaga sa pagkahubog sa pag-iisip ng tao, at yo'n ay ang maturidad. Mapapansin mo rin naman na may sakit sa pag iisip ang isang tao kapag hindi naayon ang kilos at ugali nila sa kanilang edad, masyadong emosyonal at higit sa lahat hindi nila alam kung ano mismo ang kanilang ginagawa. Kung para sa iba ang ganitong sakit ng isang tao ay nakakatawa, para sa akin ito ay sakit na mismong tao rin ang dahilan kung bakit nila nararanasan. Depresyon, isa ito sa nararanasan ng mga kabataan sa panahon ngayon. Halos araw araw may mababalitaan tayo na nagpatiwakal nang dahil sa depresyon. Marahil ang iba ay ginagawa itong katatawanan o kaya naman pinagsasawalang bahala lang ito, ngunit ang ganitong sakit ay may malaking epekto sa mismong nakakaranas nito. Iniwan ng kasintahan, Namatayan, Mababa ang grado sa paaralan, Hindi maabot ang ekspektasyon ng magulang, Niloko ng taong talaga namang kaniyang pinagkakatiwalaan, Ilan lamang 'yan sa dahilan kung bakit nararanasan ng isang tao ang depresyon. Kaya dapat maging bukas ang ating isipan na hindi lahat ng bagay ay dapat gawing katatawanan dahil maari rin itong maging sanhi para magkaproblema sa pag iisip ang isang tao. Noong nakaraang Oktubre, 2016 napatupad ang Republic Act 11036 na nagsasabing bawat barranggay, ospital o health-care center ay marapat na pagtuunan ng pansin ang mga taong may ganitong sakit. Ang mga taong may espesyal na katangiang ganito ay dapat na inaalagaan ng may pagmamahal at buong puso, dahil sapat na iyong rason upang magpatuloy pa sila dito sa mundo. 



May kasabihan nga'ng "Hindi mo kasalanan na pinanganak kang mahirap, Kasalanan mo kapag namatay kang mahirap" ang kasabihang ito ay maari rin nating maihalintulad sa mga taong may sakit sa pag-iisip. "Hindi nila kasalanang pinanganak sila nang may gano'ng disabilidad, Kasalan natin kasi tayo lamang ang nanghuhusga at tumitingin sa kanilang kamalian" Walang taong perpekto, lahat nagkakamali at may pag kakaiba. Magsilbi sana itong aral sa bawat isa na kahit ano man ang katangian o itsura ng isang tao, pare-parehas pa rin tayong nilikha at anak ng Diyos.

Ito ay lahok sa Saranggola Blog Awards 10

Thursday, September 27, 2018

COMMON GROUND

Common Ground

*click*

Naupo ako sa bench sandali para tignan ang kauna unahang litratong nakuha ko.

Tumayo ako at naglakad lakad habang nakatutok sa DSLR ko at kumukuha ng litrato.

Well its my passion!Since bata palang ako favorite ko na ang mga scenery na nakikita ko sa magazine and that day I promise to myself na someday ako ang maglalagay sa magazine ng mga picture na yan.

*click*

"Ouch"sabi naming pareho.

"Sorry miss"sabi ko ng humarap sa kaniya.

"Okay lang kasalanan ko rin naman."she said at nilagay pa ang konting buhok na tumatakip sa muka niya.

Kagaya ko may hawak din siyang DSLR.I dont know if photographer din siya o kumukuha lang siya ng litrato dahil maganda yung lugar.

"Ahmm ayos kalang?"Tanong ko sa kaniya ng napansin kong namutla siya at medyo natulala.Aaminin ko she is beautiful Indeed and I like her.

"Y-Yes"medyo utal pa niyang sagot.

"By the way I'm Harry and you are?"Sabi ko habang nilahad ang kamay ko.

"Alison"ngiting sabi niya at tinanggap ang nakalahad kong kamay.

Everything became slowmo,Para bang sa amin lang nakafocus ang camera at ang lahat ng nasa paligid namin ay malabo.

"Alison let's go"sigaw ng babae kaya naman bumalik ang lahat sa realidad.

The whole day na pamamalagi ko  sa lugar na iyon siya lang ata ang nililitratuhan ko.

Gabi na! And I hate that idea kasi aalis na kami.Nilakasan ko ang loob ko at lumapit sa kaniya.Hindi niya ata namalayan ang presensya ko dahil nakatutok parin siya sa DSLR at mukang tinitignan ang mga nakuhanan niyang litrato.

"Hi"simpleng bati ko na naging rason ng pagkagulat niya at muntikan malaglag sa upuan inalalayan ko naman siya.

"Ayos kalang"tanong ko,tumango lang siya at tinabi ang DSLR camera.

"A-Anong ginagawa mo dito?Gabi na ahh"masyado ba siyang mahiyain at nauutal siya.

"Well I grab this chance talaga para makausap kita,Ngayon ko lang kasi napansin na wala kang kasama"sabi ko at naupo na sa tabi niya.

"Bakit mo naman ako kakausapin?"

"I just wanna ask if can I have your number?"deretsong tanong ko at wala ng paligoy ligoy pa.

We exchange number at natutuwa ako dahil naramdaman kong nawala na ang hiya niya sakin.Nagkwentuhan kaming dalawa habang nakaharap sa bonfire na ginawa namin.

"Talaga sa Stanford University kadin nag aral,pero parang hindi pa kita nakikita"tumango lang siya at tumawa.

Nasira ang pagkukentuhan nami ng tawagin nako ng co photographers ko at umuwi na kami.

Days passed

Araw araw kaming nagtetext sa isat isa at Nagtatawagan.

Mas lalong lumalim ang pagkagusto ko sa kaniya.

From:093025*****
We will be having a Stanford University Batch reunion.

After I recieve that message mas naging excited ako hindi dahil sa makikita ko ang mga dati kong kaklase kundi dahil finally makikita ko na ulit siya.

And when that day come.

Hinanap ko siya pero hindi ko siya makita dahil sa dami ng tao at hinihila pa ako ng mga dati kong kaklase.

"Attention Everyone let's now paaaarty"announce ng emcee at sabay na naghiyawan ang mga tao at tumugtog ang napakasayang sayaw.

Hinila ako ng mga kaibigan ko kaya wala nakong nagawa at napunta sa gitna ng dancefloor.But suddenly the music change into slow and sweet music at nagdilim ang paligid.Nagbalikan na sila at babalik narin ako sa upuan ko ng tumutok sakin ang spot light.

"Seems that we found our king and queen of this reunion"announce pa ng emcee kaya napalingon ako sa likod and there she are wearing a simple but elegant red cocktail dress.Nilapitan ko sya at nilahad ang kamay.

"May I have this dance"

"Nakakahiya"sabi niya pero nginitian ko lang siya at di binaba ang nakalahad kong kamay.Tinanggap niya iyon at sumabay na kami sa sayaw.

"Kanina pa kita hinahanap"

"Hinanap rin kita"

"Bakit miss moko?"

"Kapal."

"Your so beautiful tonight"

"Mambobola"

"Totoo no!"

"Well your so handsome tonight"

"Mambobola"

The night end na kaming dalawa ang magkasama and pumayag rin siyang ihatid ko sya sa kanila.

"Harry thanks for the ride"she said at papasok na sana sa bahay ng hawakan ko siya sa braso.

"Ahmm Alison I know this is too fast but can I court you?"napansin ko ang gulat sa muka niya.

"Don't worry hindi kita mamadaliin Alison and kahit hindi ka pumayag liligawan parin kita"pagpapatuloy ko.

"Sira!Oo na!Sige na umuwi kana gabi na"

"Oo?You mean pumapayag ka na ligawan kita?"Tumango lang siya at sisigaw sana ako ng takpan niya ang bibig ko.

"Sssh tulog na sila mommy"tumango lang ako at di ko napigilan ang sarili ko at niyakap siya.

At doon na nagsimula ang lahat,palagi ko siyang sinusundo sa trabaho niya at hinahatid sa bahay nila.Pag may extra time kami lumalabas kaming dalawa.And this was the happiest moment ang makasama mo palagi ang taong mahal mo.

Today is my birthday balak namin kumain lang ni Alison sa labas pero hanggang ngayon wala pa siya sa meeting place namin pinuntahan ko na siya sa kanila sa trabaho niya pero wala siya ang she didn't even pick up her phone. Kaya umuwi nalang ako ng bahay at pagbukas ko ng pinto bumukas ang ilaw at sumabog ang confetti at nasa gitna nun si Alison na naglakad papalapit sakin

"Happy birthday Harry"sabay yakap niya sakin at abot ng simpleng card.Napansin ko na lahat sila ay nakatingin at para bang mga excited kaya naman binuksan ko ang letter.It was short really really short.3 letters 1 words English that made my happiest birthday ever.

YES

"Yes?"Pagulit ko pa.

"YES!You mean tayo na?"excited na sabi ko at nginitian niya ako at tumango.

"YES!"sigaw ko at tumalon sabay yakap sa kaniya.

"I will make sure na hindi ka magsisisi"I said as I kiss her forehead.

----------
"Babe asan ba tayo?Bat kailangan may pa blindfold pa?"she said habang alalay ko siyang nag lalakad.

Today is our anniversary and I'm planning to surprise her.

Tinanggal ko na ang panyong nagsisilbing takip sa mata niya.

"Tada!Happy anniversary Babe"sabi ko habang siya naman nililibot lang ang lugar.

Well its our favorite place a simple tree na katabi ng lake binuhos ko lahat ng effort ko dito and it looks perfectly ang ilaw na nakapalibot sa puno mga baging na nakalaylay sinabit ko lahat ng mga stolen pictures niya since we first met.

Nung humarap naman siya sakin umiiyak na siya.

"Sshhh tahan na babe mahal na mahal kita happy anniversary"hinampas naman niya ako ng bag at tumawa ako.

"Kainis ka!"reklamo niya pero hinalikan lang ako sa labi ng sunod sunod.

"Happy Anniversary din babe"
--------
Years pass malapit na kaming mag 5 years.Never pa kaming nag aaway.Hindi siya nagseselos sa mga nakakasama kong babae same with me di ako nagseselos sa mga nakakasama niyang lalaki.Kakaiba siya sa lahat ng babae na nakilala ko at talaga naman sigurado na akong siya ang gusto ko makasama habang buhay so I plan to propose to her on our 5th anniversary.

*kring*kring*kring

This was the first time na nakatatlong ring ang phone niya at hindi niya parin sinasagot.

Tinext ko na siya ng napakarami,Nakailang tawag narin ako pero walang response kaya pumunta ako sa trabaho niya.

"I'm sorry Harry pero maaga siya umalis ngayon diba nag paalam sayo?"sabi ng boss niya.

"Hindi po eh!Sige po una na ako"Dumiretso ako sa bahay nila ngunit nakakapagtaka lang dahil ang napakaliwanag nilang bahay ay napakadilim at parang walang tao.

"Tao po!Tita!Tito"sigaw ko at sunod na sunod na pindot sa doorbell.

"Alison!Alison!Alison"sigaw ko pa at pindot parin sa doorbell.May kung ano akong nararamdaman at alam kong hindi ito maganda.

"Alison asan kaba?galit kaba?may nagawa ba akong kasalanan"sigaw ko pero wala paring nagbubukas sakin ng gate.

Hindi ako umalis sa tapat ng bahay nila nakasandal ako sa gate nila habang paulit ulit na tinatawagan ang number niya.

"Myghad harry what is happening to you look at yourself!Tatlong araw ka ng hindi umuuwi for godsake"hindi pa sana ako aalis kaso pinilit lang ako ni mommy.

Hindi ko matanggap.Bakit umalis nalang biglaan si Alison ng hindi manlang nagpapaalam sakin.May kasalanan ba ako?Wala naman.

Pagkatapos ko ayusin ang sarili ko tinawagan ko ulit siya.

Sorry the number you have dialed is cannot be reach.

"Ahhhhhhh"sigaw ko at binato ko ang cellphone.Hinawi ko rin ang lahat ng nasa ibabaw ng lamesa ko at nakita kong nalaglag don ang picture frame namin ni Alison na nabasag kinuha ko iyon.

"Alison bat ginagawa mo ito sa akin"hindi ko na napigilan ang sarili ko at tuluyan ng umiyak.

I gave everything to her.

Minahal ko siya ng higit pa sa pagmamahal ko sa photography.

Ang mas masakit ay ang umalis siya ng walang paalam.

"Anak anak are you okay?"katok nila mommy pero hindi ko sila pinansin.

Since then nagkulong lang ako sa bahay hindi narin ako kumukuha ng mga pictures dahil sa tuwing gagawin ko iyon siya lang ang naalala ko.

Sorry the number you have dialed is cannot be reach.

Its been 5 months patuloy ako sa pagtawag sa kaniya pero wala talaga.

Nabuhayan ako ng loob ng maalala ko ang best friend niya siya nalang ang pag asa ko.

"Come on Glaiza sabihin mo na kung nasan yung magaling mong bestfriend"medyo nakainom ako ng kausapin ko siya but still I'm sober.

"Ano ba harry lasing ka umuwi kanalang muna at bukas na tayo magusap"

"Bukas?At ano bukas mawawala ka nalang din ng parang bula."

"Hindi kapaba nakaka move on harry its been 5 months"

"OO HINDI PA GLAIZA!Putcha limang buwan na ang nakalipas pero hindi ko parin alam kung nasan yung magaling mong bestfriend hindi ko alam kung bakit niya ako iniwan.Nakakagag* lang kasi mahal ko siya tapos mahal niya ako tapos bigla nalang siya mawawala kaya please lang glaiza--"hindi ko na napigilan ang sarili ko at naiyak na ako sa harap niya.

"I'm sorry harry."

"Please glaiza"lumuhod na ako sa harap niya.

"Fine pero pag dinala kita sa kaniya magbabago ka hindi kana magiging ganito at magmomove on kana"tumango ako ng mabilis.
-------
"Glaiza ano ginagawa natin dito sa sementeryo?"

"Diba gusto mong makita si Alison"

No hindi to totoo.

"Panong--Hindi ko maintindihan!"

"Months ago lumala ang sakit niya---"

"sakit?"

"Yes!she has leukemia--"

"bakit hindi niya sinabi?"

"putcha naman harry nahihirapan din ako kaya makinig ka muna"

"She never told you na may sakit siya dahil alam niyang magkakaganiyan ka at hindi nga siya nagkamali.Gusto niyang mamatay siya ng hindi mo alam ng sa ganun magalit ka sa kaniya at mabilis magmove on."

"Bullsh*t"sigaw ko sa harap ng lapida niya at umiyak.

"And bago siya umalis sinabi niyang ibigay ko sayo to sa tamang panahon and I guess this is the right time"iniabot niya sakin ang DSLR ni Alison at isang card bago siya tuluyang umalis.

Pinlay ko ang mga picture at nakakapagtakang puro ako yun nung una kaming nagkita at mas kinagulat ko may picture din ako dun since college kami.Binasa ko ang sulat niya.

Dear Harry
Since college palang gusto na kita pero hindi ako nagkalakas na loob aminin sayo dahil may sakit ako at natatakot akong baka masaktan kita but then pilit parin tayong pinagtatagpo ng tadhana ikaw kusang lumapit at niligawan ako.Sa tinagal ng buhay ko sumaya talaga ako sa feeling I hope you find a right woman for you I love you babe
Forever Yours:Alison
----------
"Lolo ayos lang kayo?"alalay ng dalaga sakin ng iuupo niya ako sa upuan.

"Oo hija salamat"

"Asan po ba asawa niyo?"

"Wala akong asawa!"

"Ohh bakit po nagpupunta kayo dito sa beach magisa?"

"Because this place full of memories and this place is our common ground"makahulugang ngiting sabi ko sa kaniya

WIKA

(JIRAH)
Sisimulan ko ang kwento sa pamamagitan ng tula
Na naglalahad kung pano tayo nagkakilala
Dumating ka na may dalang pag asa
Kaya ito ako sunod sunuran at umaasa

(JOSHUA)
Mula ng makilala ka akin kang sinuportahan
Bawat luha, Pighati't kalungkutan man o kasiyahan akoy laging nandiyan
Palaging malalapitan at masasandalan tuwing kailangan
Ano mang unos ang dumating siguradong hindi ka iiwanan

(JIRAH AND JOSHUA)
Dito na nagsimula ang ating kwento
Kwentong alam ng buong mundo
Kaso gaya nga ng sabi nila walang perpektong storya
Dahil habang tumatagal hindi na tayonagiging masaya

(JIRAH)
Inaamin ko hindi ako perpekto
Naging marupok sa kadayaan ng mundo
At, Oo nagsasawa rin at hindi nakukuntento
Kaya heto ako naghahanap at nagmimithi ng bago

(JOSHUA)
Pagkatapos mong gamitin ngayoy iyong pinagpalit?
Pinagpalit sa mas sosyal at ka akit akit
Hindi ko mawari kung bakit?
Sapagkat iyong tinalikuran/ ng paulit ulit

(JIRAH)
Nais kong humingi ng tawad
Patawad pagka't hindi ako naging tapat
Patawad dahil hindi ka lubusang tinanggap
Patawad sapagkat may bago akong minahal at nahanap

(JOSHUA)
Parang kailan lang, Akoy iyong napapakinabangan
Akala ko hindi ka tulad ng iba na nang iiwan
Ngunit ngayong hindi mo na kailangan
Ika'y tuluyan na ngang lumisan
Binalewala
Iniwan na parang bula
Sumama sa iba
Pagbalik hindi ka na kilala

(JIRAH)
Ngunit lagi mong tatandaan
Pansamantala kamang napalitan
Ikaw parin ang orihinal
Sapagkat ikaw ang una at tunay kong minahal

(JIRAH AND JOSHUA)
At dito na nga nagtatapos ang ating storya
Storyang tayo ang bida ngunit hindi mawawala ang kontrabida
Storyang hindi mabubuo kung wala ang isa't isa 
Storyang ngayon ay pinakikinggan nila

Dumating man ang araw na hindi na tayo magkaintindihan
Sana ay huwag na huwag mong kakalimutan
Itaga mo sa bato kung kinakailangan
Ang WIKA ay wika na ipinakikilala kung sino ka't ako kaibigan

Pangarap

"Pangarap"


Tula!
Tula para sa mga katulad nating wattpaders na umaasa
Umaasang balang araw makahanap ng taong nabuhay lamang sa libro
Na balang araw mga kathang isip ay magkatotoo.

Sisimulan ko ang kwento sa pamamagitan ng tula.
Na naglalaman kung paano at saan tayo nagkakilala.
Naglalakad ng biglang magkabanggaan.
Sabay na pinulot ang libro at nagkatitigan.

Ngunit umalis kanalang ng biglaan.
Hindi mo manlang tinanong ang aking pangalan.
Bigla kong naalala.
Artista ka nga pala at akoy hamak na tagahanga.

Isang araw lumapit ka at tinanong ang aking pangalan.
Nakakatuwa kasi naalala mo ako.
Naalala mo ang isang estrangherong tulad ko,
Estrangherong  nagmamahal sayo.

At doon na nagsimula ang lahat.
Nagkakilanlan,nagkamabutihan.
At sa huliy naging magkaibigan.
Lahat ng bagay ay napagkakasunduan.

Ito na ang pinakamasayang parte ng buhay ko.
Dahil  hiling ko lang noon na makilala mo ang tulad ko.
Hindi ko inaakalang ang simpleng pinapangarap ko.
Nasa harapan kot minamahal ako.

Ayan ka nanaman..
Papalapit..
Habang ako....
Inaantay kang dumating..

Kaso bigla akong natauhan ng may munting tunog akong napakinggan. Nagpaulit ulit iyon at nagsasabing 'Gumising kana sa katotohan' Naalala ko wala nga pala ako sa mundo ng wattpad.
Nasa mundo ako kung saan ikay mataas habang ako ay kapos palad.

Kailangan kong matanggap.
Ang panaginip ay panaginip
Ang pangarap ay pangarap 
At akoy nasa katayuan lamang ng pagpapanggap.

Nagmamahal,Umaasa,Nasasaktan pero patuloy na nangangarap.

Valerie Jade Quisquino